News »


Vegetable Derby Field Day

Published: March 08, 2023 03:38 PM



Nasilayan ang mayabong na gulayan sa Vegetable Derby Field Day nitong Marso 7-8 sa Brgy. Porais kung saan tampok dito ang iba’t ibang pananim ng limang vegetable seed company na katuwang ng City Agriculture Office sa nasabing programa.

Kabilang sa mga kompanyang ito ang East-West Seed, Bayer, Pilipinas Kaneko Seeds, Ramgo, at Enza Zaden.

Makikita sa Vegetable Derby ang mga naggagandahang klase ng kalabasa, talong, okra, kamatis, sili, ampalaya, patola, pipino, at pakwan na nakatanim sa mahigit 5,000 metro kuwadradong lupain.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni City Agriculturist Francisco Dantes ang mga kompanyang nakiisa sa programa at ginawaran sila ng Sertipiko ng Paglahok sa nasabing programa.

Ayon kay Dantes, malaking tulong ito sa mga residente kaya naman itinuturing niyang bayani ang mga magsasaka dahil sila ang pinagmumulan ng pagkain sa araw-araw.

Samantala, binisita ni Vice Mayor Ali Salvador at ilang konsehal ang naturang gulayan, gayundin sina Provincial Agriculturist Bernardo Valdez at Analou Morelos ng Department of Agriculture (DA) Regional Field Office 3 - Agricultural Program Coordinating Office (APCO).

Inaasahan din ang pagdalaw rito ng iba pang kinatawan ng DA pati na ng mga delegado mula sa Hong-cheon-Gun, South Korea.