News »


Walter Mart-San Jose City, bukas na!

Published: July 26, 2018 04:25 PM



Pormal nang binuksan ang Walter Mart sa Lungsod San Jose ngayong ika-26 ng Hulyo 2018. Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking shopping center sa lungsod at siya ring may kauna-unahang escalator sa mga pamilihan dito.

Dinaluhan ni City Mayor Kokoy Salvador ang okasyon kasama si Congresswoman Miki Violago at iba pang opisyal na sina Vice Mayor Glenda Macadangdang-Felimon, mga Kagawad Niño Laureta, Patrixie Salvador at Atty. Ronald Lee Hortizuela, at iba pang mga opisyales ng lungsod. Pinanguhanahan nila ang ribbon-cutting ng ilang tindahan gaya ng Jollibee, Red Ribbon, Walter Mart Department Store, Walter Mart Grocery Store, at marami pang iba.

Makikita sa unang palapag ng gusali ang mga sikat na tindahan gaya ng Mang Inasal, Penshoppe, KFC, Watsons, Dunkin Donuts, atbp. Makikita rin dito ang Palengke Fresh Market na nagtatampok ng sari-saring paninda mula dry goods, mga palamuti, sweets, hanggang sa mga poultry products. Nasa dulong bahagi naman ang maluwang na Walter Mart Supermarket.

Sa pangalawang palapag naman makikita ang Abenson’s, Handyman, Money Express, Japan Home Centre, Home Plus, Rent & Go, World of Fun, Food Court, Walter Mart Department Store, at iba pa.

Dinagsa ang sale ng Abenson’s kung saan mayroong “Buy One, Take One” promo ng LED TV.

Makukulay na bulaklak at lobo ang nagpatingkad sa okasyon. Dumalo ang ilang departamento ng Lokal na Pamahalaan, ang Makisig Rescue 3121, PNP, at mga bisita mula sa iba pang karatig-bayan. Sabay-sabay ding nagsalo-salo sa isang engrandeng tanghalian ang mga bisita sa naturang pagtitipon.

Entertainment naman ang hatid ng mga bandang Romy Talplacido Band at Bongabon Percussionista. Lalong pinasigla ang pagtitipon sa pag-indak ng mga mascot gaya ni Jollibee sa maiksing programang ginanap sa harap ng gusali.
(Ramil D. Rosete)