News »


Waste Bins, Nakatakdang Ipamahagi sa mga Barangay

Published: July 14, 2017 05:04 PM



Nagsagawa ng inspeksyon sina City Mayor Kokoy Salvador at City Environment & Natural Resources Officer Trina Cruz sa waste transfer station kaugnay ng paglalagay ng malalaking garbage bins sa bawat barangay sa lungsod.

Ang mala-higanteng mga garbage bins na ito ay ipapamahagi sa mga barangay bilang suporta sa partisipasyon nila sa garbage collection ayon sa itinakdang 10-year Solid Waste Management Plan ng lungsod na nagsimulang ipatupad noong 2014.

Layunin nitong mapadali ang pangongolekta ng basura dahil lahat ng residwals na mahahakot mula sa bawat sambahayan ay maari nang ikarga ng barangay solid waste management team sa garbage bin, na siya namang kokolektahin ng city garbage collectors upang dalhin sa waste transfer station.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 21 bins na nakahandang ipamahagi ngayong buwan.

Matatandaang isa ito sa mga ipinangako ni Mayor Kokoy sa kanyang mensahe noong First 100 days ng Bagong San Jose.