News »


World no Tobacco Day, ginunita sa lungsod

Published: June 05, 2018 04:40 PM



Sabay-sabay na naglakad ang mga San Josenians bilang pagpapakita ng suporta sa maigting na kampanya kontra paninigarilyo sa lungsod nitong Mayo 31 para sa paggunita ng “World No Tobacco Day”.

Sinundan ito ng isang programa kung saan naging paksa ang hindi magagandang dulot ng paninigarilyo sa mga gumagamit nito lalo na sa mga nakakalanghap ng usok mula dito o ang tinatawag na secondhand smoke, maging ang mga sakit na maibibigay nito gaya ng cancer, stroke, hypertension, diabetes at iba pa.

Layunin ng aktibidad na higit pang mapalawig ang kaalaman ng mga San Josenians tungkol sa masasamang dulot ng sigarilyo sa ating kalusugan at kapaligiran.

Kung matatandaan, ginawaran ng DOH ang lungsod noong nakaraang taon ng Pink Orchid Award dahil nakakuha ang San Jose ng 81-90 % rating base sa criteria ng DOH sa mahigpit na pagpapatupad ng Tobacco-Free Environment at sa pagsunod sa adbokasiya ng World Health Organization’s MPOWER Framework.

Inaasahang mas paiigtingin ang kampanya kontra paninigarilyo ngayong taon.