News »


World Rabies Day, ginunita ng lungsod

Published: September 28, 2018 03:57 PM



Bilang pakiisa ng Lokal na Pamahalaan sa World Rabies Day, nagdaos ng programa ang City Health Office kahapon (Sept. 27) sa Walter Mart na dinaluhan ng ilang opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK), Punong Barangay, at Kagawad on Health.
Tampok sa okasyon ang pagpapalaganap ng impormasyon at kamulatan ng mga mamamayan ukol sa rabis at kung paano ito maiiwasan. Sang-ayon ito sa tema ng World Rabies Day ngayong taon na “Rabies: Share the message. Save a life”.
Kaugnay nito, nagpalabas ng isang video si Dra. Rizza Esguerra ng Rural Health Unit (RHU) III tungkol sa nakababahalang epekto ng rabis sa katawan na maaaring humantong sa kamatayan lalo na kapag hindi ito agad naagapan.
Ipinaliwanag din dito ni Dr. Rustan V. Patacsil, City Veterinarian, ang Ordinansa Blg. 147 o Ordinance regarding Stray Animals. Pinaalalahanan din ang mga pet owner na maging responsibleng amo sa kanilang mga alaga para maiwasan ang rabis.
Dumalo naman sa programa si City Mayor Kokoy Salvador para magpahayag ng suporta, gayundin sina City Councilor Trixie Salvador at Community Affairs Officer Danilo Ariem.
Dagdag pa rito, inatasan ang mga SK Official na gumawa ng action plan hinggil sa pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa rabis sa kani-kanilang nasasakupan.
Nagbigay saya rin ang dog mascot na si Buster sa mga nakibahagi sa programa.